Kabilang sa top 100 universities sa Asia ang University of the Philippines at Ateneo de Manila University.
Sa pinakahuling ulat ng QS University rankings Asia 2016, pang 70 ang University of the Philippines samantalang pang 99 naman ang Ateneo De Manila University.
Anim na iba pang universities ang nakabilang sa 350 pinakamagagaling na universidad sa buong Asya.
Kabilang na rito ang De La Salle University, University of Sto Tomas, Ateneo De Davao University, Silliman University, Xavier University at University of San Carlos.
Siyam na areas ang pinagbasehan upang sukatin ang performance ng mga universities tulad ng academic reputation, employer reputation, faculty student, faculty staff with PHD at iba pa.
(UNTV RADIO)