2-taong gulang na batang hinostage sa pampasaherong bus sa Albay, nailigtas na

by Radyo La Verdad | September 5, 2016 (Monday) | 1281

ALLAN_HOSTAGE
Nasa Lumbis Rances General Hospital na ngayon ang 2 taon gulang na batang lalake na biktima ng isang hostage –taker sa Pan-Phil Highway sa Brgy. Ilaor Norte sa bayan ng Oas, Albay.

Ayon sa ulat nagsimula ang hostage drama bandang ala-una ng madaling araw matapos na sumakay ang hostage taker na kinilalang si Daguila Balanon, 48 years old sa Raymond bus na mula sa Alabang, Muntinlupa patungong Masbate.

Ayon ina ng batang na-hostage na tumabi sa kanila si Balanon na taga-Masbate.

May problema umano si balanon sa kanyang live-in partner na matapos na mai-kuwento ang kanyang pinagdadaanan ay hinablot na nito ang kanyang anak.

Bukod sa bata, kabilang din sa hinostage ni Daganon ang isang mag-asawa na kinilalang sina Rodel at Mary Grace Escala.

Gayunpaman, mabilis na nakatakas ang mag-asawa.

Tumagal ng mahigit sa walong oras ang hostage drama bago naagaw ng mga pulis ang nakatutok na kutsilyo ni Daganon.

Laking pasasalamat ng ina ng bata kay Police Inspector Domingo Tafel ng Oas PNP dahil hindi nasaktan ang kanyang anak maliban sa mga tinamo nitong gasgas sa mukha.

(Hazel Rivero / UNTV Correspondent)

Tags: ,