2 sundalong nakatakas mula sa mga NPA sa Davao Oriental, isinalaysay ang mga karanasan

by Radyo La Verdad | August 22, 2018 (Wednesday) | 2689

Sa unang pagkakataon ay humarap sa media ang dalawang sundalo na nakatakas mula sa New People’s Army (NPA) na dumukot sa kanila sa Davao Oriental noong ika-10 ng Hunyo.

Pauwi na ng headquarters sa Mati City noon sina Corporal Johannes Parreño at CAFGU member na si Dindo Sagayano matapos dumalo sa school supplies giving activity sa Taragona, Davao Oriental nang biglang haranin ng NPA Pulang Bagani Command 8 sa Barangay Taguibo, Mati City.

Walang nangyaring negosasyon ngunit tuloy-tuloy ang military operations ng militar sa pagtugis sa rebeldeng grupo.

At nitong Biyernes ng hapon, nakatakas si Parreño sa mga NPA matapos malingat ang kaniyang bantay. Nauna rito ay matagumpay ring nakatakas si Dindo Sagayani  noong ika-6 ng Hulyo.

Kapwa balik na sa kanilang trabaho sina Parreño at Sagayi.

Bukod sa assistance na ibinigay ng pamahalaan, tatangap din sila ng Lapu-Lapu award at promotion mula kay Pangulong Duterte

 

( Mirasol Abogadil / UNTV Correspondent )

Tags: , ,