Ipapasubasta ng Sandiganbayan ang dalawang sequestered aircraft mula isa sa mga crony ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na si Alfonso Lim.
Ang dalawang lumang eroplano ay nakatambak sa hangar ng Northern Resort Incorporated o NRI noon pang 1994.
Ipinagutos ng korte ang pagbebenta ng aircraft sa harap ng reklamo ng Northern Resort Incorporated na hindi na nila nagagamit ang espasyo na kinalalagyan ng mga ito.
Wala naman inilagay na appraisal value o minimum bid ang korte sa dalawang aircraft, at ibibigay na lamang daw sa highest bidder.
(UNTV RADIO)