Dumating na sa bansa ang dalawang Russian navy vessels para sa limang na araw na goodwill visit sa pangunguna ni Rear Admiral Eduard Mikhailov, ang deputy commander ng Flotilla of Russian Navy Pacific Fleet.
Ang anti-submarine vessel na admiral tributs at ang sea tanker Boris Butoma ay dumaong kahapon sa Pier 15 South Harbor Manila.
Sa pagbisita ng Russian navy, ipamamalas ng mga ito ang anti-terorrism capabilities ng naturang warship.
Positibo naman ang pananaw ng Russia sa pagkakaroon ng maritime drills kasama ang Pilipinas upang labanan ang international terorrism at piracy.
Ayon kay Rear Admiral Mikhailov, nakahanda silang lumahok sa joint naval drills sakaling mapagkasunduan na ito ng head of state ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Rear Admiral Mikhailov, hindi nila pakikialaman ang Pilipinas sa mga gagawin nitong hakbang pagdating sa military relations nito sa Estados Unidos o sa Russian navy.
Gayunpaman, nakahanda silang tumulong sa bansa sa anomang paraan na kakailanganin nito.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagnanais na palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Russia at ang posibilidad na pagbili rito ng mga armas kasunod ng pagkakaroon ng lamat ng ugnayan ng bansa at Estados Unidos.
Noong Disyembre nagtungo na sa Russia sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay upang makipagusap sa kani-kanilang Russian counterparts kaugnay sa possible cooperation sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala mananatili sa Pilipinas ang dalawang Russian navy vessels hanggang sa January 7, araw ng Sabado.
Tags: 2 Russian navy vessels, nasa bansa ngayon para sa ilang araw na goodwill visit