Dinismis ng Senate Ethics Commttee ang unang dalawang reklamo laban kay Sen. de Lima dahil sa issue of jurisdiction, ito ang pahayag ng chairman ng komite na si Sen. Tito Sotto III.
Ayon kay Sen.Sotto , ang umano’y bribery issue laban kay de Lima at ang pagkakaroon ng relasyon sa kanyang driver body guard, ay nangyari noong ang senadora ay DOJ Secretary pa noon at walang hurisdiksyon ang Senate Committee para ito ay imbistigahan.
Binigyan diin naman ni Sotto, na ang supplemental complaints ni Atty. Abelardo de Jesus na kaisa ng complaint mula sa House of Representative ay mayroong substance para ipagpatuloy ang imbestigasyon.
Ipapagpapatuloy ng komite ang imbistigasyon sa umano’y payo ni de Lima na huwag pumunta si ronnie dayan sa ginagawang imbistigasyon ng House of rRepresentative kaugnay ng Bilibid drug trade.
Babalangkas ang Senate Ethics Commttee ng resolusyon patungkol sa naturang complaint kay delima at bibigyan ang senadora ng 15 araw para sagutin ang naturang resolusyon.
(Aga Caacbay / UNTV Correspondent)
Tags: 2 reklamo laban kay Sen. Leila de Lima, dinismis ng Senate Ethics Committee