METRO MANILA – Matagal na panahon nang umaasa lang ang Pilipinas sa donasyon, pagbili sa ibang bansa ng mga bakuna na lunas para sa iba’t ibang sakit ayon sa Department of Science and Technology (DOST).
Nguni’t nitong 2020 nagsimula na ang pagpa- plano at pakikipag usap ng kagawaran at ilang ahensya ng pamahalaan sa anim na local pharmaceutical companies .
Ang anim na kumpanya ang napipisil ng DOST na maging potential vaccine manufacturer sa Pilipinas.
Dalawa sa 6 na pharmaceutical companies ang tututok na gumawa ng bakuna kontra COVD-19.
Ayon kay DOST Task Group on Vaccine Evaluation and Selection Chair Usec Rowena Guevara, sakaling maihanda lahat ng kailangan at maisapinal ang plano posibleng makagawa na ang Pilipinas ng COVID-19 vaccine sa huling bahagi ng 2022.
“Dalawang cmpanies na medyo mabilis, agresibo sila. If they pursue what we think are their plans based on what they have told us, parang kakayanin nilang mag- umpisang magproduce ng vaccine by late 2022. Kapag tuloy- tuloy silang ganito ka- agresibo based on our talks with them kakayanin nila” ani DOST / TG-VES Chairperson, Rowena Cristina Guevara.
Sakaling masimulan na ito kaya aniyang makagawa ng 40 million doses ng iba’t ibang bakuna para sa Rubella, Polio, HIV at tuberculosis kada taon.
“These local pharmaceutical companies are trying to transition or trying to come up with a new product which is vaccines. Iyong iba doon sa ipinakita ko prang ang gusto nilang targetin hindi COVID e kasi remember the doh spends it think 7 Billion plus for 40 Million doses of different types of vaccines in our national immunizaiton program lahat iyon ngayon ini-import so they are looking into at the opportunity to start with the vaccines that are already wesll- established iyong iba naman companies doon sa ipinakita ko COVID-19 talaga ang kanilang pupuntiryahin” ani DOST / TG-VES Chairperson, Rowena Cristina Guevara.
Mayroon na rin aniyang bilateral talks ang DOST sa 25 international manufacturers kasama na ang Serum Institute of India upang matulungan ang Pilipinas sa vaccine production.
Mapapabilis din aniya ang pag- manufacture ng bakuna sa Pilipinas sa tulong ng World Health Organization.
May inilaan na P283-M na pondo ang dbm para sa panukala ng DOST na Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP).
Ang pondo ay para sa sa research, at pagbili ng gamit sa paggawa ng bakuna .
Ayon pa sa DOST, 2011 pa ay may plano na na local production ng mga bakuna sa Pilipinas nguni’t wala lang aniyang sapat na budget kaya natigil na ito noong 2015.
Nag- iiba iba rin anila ang prayoridad ng bawa’t administrasyon kaya ngayon ay nakikipagtulungan na sila sa mga pribadong sector.
Ayon sa mga eksperto, kulang lang ng mga virologist at vaccinologist sa bansa kaya posibleng mag- hire ng mga Pilipinong nag- aral at nakapagtapos sa ibang bansa sa larangan ng pagbabakuna sakaling magsimula na ang local production ng bakuna sa Pilipinas.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: Covid-19 Vaccines, DOST