2 ‘persons of interest’ sa tangkang pambobomba sa Roxas Blvd., hawak na ng mga otoridad

by Radyo La Verdad | November 30, 2016 (Wednesday) | 1023

joan_albayalde
Isinasailalim na sa interrogation sa Manila Police District headquarters ang dalawang itinuturing na persons of interest sa umano’y tangkang pambobomba sa Roxas Blvd. noong Lunes.

Inimbitahan ng pulisya ang dalawa na sinasabing nagmula sa Bulacan at Caloocan City.

Ang isa sa mga ito ay kinilalang si Rayson o Rashid Kilala, 34 anyos, residente ng Brgy. Bagumbayan, Bulakan.

Isinailalim siya sa custody ng Manila Police District at Bulacan Provincial Police, kaninang alas 9:30 ng umaga.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, may pagkakahawig ang isa sa mga ito sa computer-generated sketch ng suspek sa tangkang pambobomba na inilabas ng PNP kahapon.

Nabuo ang sketch batay na rin sa mga nakuhang detalye mula sa mga informant.

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye ang mpd hinggil sa isa pang person of interest dahil hindi pa natatapos ang kanilang imbestigasyon.

Ayon kay Albayalde, posibleng iharap bukas sa media ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga nasabing persons of interest, depende sa magiging resulta ng kanilang imbestigasyon.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: ,