2 patay, mahigit 30 sugatan sa pagsabog sa Sultan Kudarat

by Radyo La Verdad | August 29, 2018 (Wednesday) | 3742

Dalawa patay habang mahigit 30 naman ang sugatan matapos sumabog ang isang hinihinalang improvised explosive device (IED) sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat kagabi.

Pasado alas nuwebe ng gabi nang sumabog ang IED habang nagdiriwang ang bayan ng Isulan ng ika-7 Hamungaya Festival.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang sibilyan ang nagsumbong na may iniwang bag sa nasabing lugar, subalit sumabog na ang bomba nang dumating ang mga otoridad.

Sa ngayon, nakataas na ang red alert sa buong rehiyon ng Socksargen matapos ang insidente.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung sino ang nasa likod nang pambobomba.

 

Tags: , ,