2 patay, libo-libong residente inilikas sa matinding pagbaha sa Peru

by Radyo La Verdad | March 2, 2016 (Wednesday) | 2095
Peru(REUTERS)
Peru(REUTERS)

Dalawa na ang iniulat na nasawi at mahigit dalawang libong pamilya ang inilikas dahil sa mudslide at pagbaha bunga ng matinding pagulan dulot ng El Niño phenomenon sa Peru.

Sa Cusco, isang tourism bus at van ang nangahas na tawirin ang rumaragasang baha sa isang highway sa Quillabamba.

Umapaw naman ang ilog sa isang probinsya sa Lima na nagdulot ng pagbaha sa Central Highway na dinaraanan ng mga truck na nagdadala ng supply ng pagkain sa kapitolyo.

Patuloy ang isinasagawang rescue operations ng mga otoridad sa mga residente na na-trap dahil sa matinding pagbaha.

Tags: , , ,