Dalawang kaso ng health related deaths ang naitala ng Department of Health (DOH) sa katatapos lang na barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay Health Emergency Management Bureau Director Gloria Balboa, myocardial infraction o atake sa puso bunga na rin ng mainit na panahon ang ikinamatay ng dalawa na mula sa probinsya ng Leyte at La Union.
Naglagay ang DOH ng mga health stations sa mga priority voting centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa at nakapagbigay ito ng consultation service sa higit dalawampu’t-apat na libong tao.
Karamihan sa mga humingi ng assistance ay nagpa-monitor ng blood pressure habang ang ilan naman ay nakaramdam ng pagkahilo habang nakapila sa mga polling precints para bumoto.
Nabigyan ng karampatang health services ang mga nagpunta sa health station habang halos tatlongdaan sa mga ito ay nirekomenda sa ospital.
Tags: DOH, eleksyon, health-related incidents
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com