2 patay, 14 sugatan sa shooting incident sa Florida

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 2532
Photo Courtesy:  Reuters

Photo Courtesy: Reuters

Dalawa ang nasawi at labing apat ang sugatan sa panibagong shooting incident sa Florida.

Ayon sa mga ulat, nangyari ang pamamaril habang nagdaraos ng teen party sa isang nightclub sa Fort Myers, Florida.

Wala pa namang ibinigay na detalye ang Fort Myers Police maliban sa impormasyonna isang gun man ang inaresto ng mga otoridad.

Naganap ang pamamaril, isang buwan matapos ang shooting incident sa isang night club sa Florida kung saan apatnaput siyam ang nasawi

(UNTV RADIO)

Tags: , ,