2 pang maliliit na satellite ng Pilipinas, ilulunsad sa 2018

by Radyo La Verdad | January 27, 2017 (Friday) | 1271


Umaabot na sa 4 na libong beses ang pag-ikot sa mundo ng unang microsatellite ng Pilipinas na Diwata 1.

Kumukuha ito ng larawan,2 beses sa isang araw sa Pilipinas.

Nagagamit na rin ito sa assessment sa mga lugar sa bansa gaya na lamang noong manalasa ang Bagyong Lawin sa Cagayan noong October 2016.

Nasa UP-Diliman na rin ang ground receiving and control stations nito at mga Pilipino experts na rin ang nag-ooperate.

Umabot sa P800M ang ginastos ng pamahalaan sa program.

Nauna nang sinabi ng DOST, na makatitipid na dito ang pamahalaan kumpara sa ginagastos kung bibili ng produkto ng isang satellite gaya na lamang satellite image ng pinsala ng bagyong yolanda noong 2013 na binili natin sa halagang P56M.

Sa ngayon ay binubuo na ang Diwata 2 na pinaplano namang ilulunsad sa susunod na taon.

Ngayong buwan lamang ay kinilala na ng National Aeronautics and Space Administration o NASA ang kakayahan ng Diwata 1 bilang isang microsatellite.

Sinlaki lamang ito ng isang balikbayan box na may 4 na camera.

Kayang nitong kunan at bigyan ng detalye ang isang bagay ng may laking 3 metro.

Sa 2017-2018 program ng nasa ay kasama narin ang paglulunsad ng mga microsatellite.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,