Makakaranas ng dalawang oras na rotating brownout ang Luzon at Visayas ngayong Marso.
Ipinahayag ni Energy Sec. Jericho Petilla na ito ay bunsod ng pagsasara ng ibang planta bukod sa Malampaya Natural Gas Facility at pagtaas ng demand ng kuryente ngayong summer.
Kaugnay nito, ipinahayag ng kalihim na hindi dapat mag-panic buying ang mga residente ng mga generator bilang paghahanda sa rotating brownout.
Nagpaalala naman si Petilla na magtipid sa paggamit ng kuryente partikular na sa aircon na malakas ang konsumo ng kuryente.
Tags: Department of Energy, DOE, Jericho Petilla, kuryente