2 opisyal ng FDA, inalis sa pwesto dahil sa pag-isyu ng certificate of product registration sa Dengvaxia

by Radyo La Verdad | February 21, 2018 (Wednesday) | 2307

Tinanggal sa pwesto ni Health Secretary Francisco Duque III ang dalawang opisyal ng Food and Drug Administration o FDA. Ito ay sina Ma. Lourdes Santiago, ang Acting FDA Deputy- Genereal for Field Regulatory Operations Office at si Dr. Benjamoc Co, ang FDA Director IV ng Center for Drug Regulation and Research.

Ang pagtanggal sa kanila sa pwesto ay kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng DOH sa pag-iisyu ng certificate of product registration ng FDA sa Sanofi Pasteur Inc. para sa Dengvaxia vaccines.

Ayon kay Sec. Duque, may partisipasyon aniya si Santiago sa pag-apruba ng market authorization application ng Dengvaxia. Habang si Co naman ay umamin na  nakatanggap ng paunang kopya na dokumento ng aplikasyon ng Sanofi na nakalagay sa isang flash drive o USB.

Ang pagtanggal sa kanila sa pwesto ay upang masigurong magiging transparent ang ginagawang pagsisiyasat ng kagawaran sa FDA.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,