2 nasaktan sa aksidente sa motorsiklo sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | August 4, 2017 (Friday) | 2589

Nagtamo ng mga gasgas sa braso at tuhod ang driver ng motorsiklo na si Ranier Igson at ang angkas nito na si Epiphany Cusipag matapos bumangga sa trycycle sa National Highway ng Brgy. Canlalay Biñan Laguna alas nuebe kagabi.

Ayon sa driver ng trycycle mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya nito nahagip ang kaniyang sasakyan.

Matapos lapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue team ay tumanggi nang magpahatid sa ospital ang mga biktima.

Samantala, tinulungan naman ng UNTV News and Rescue team ang dalawang nasaktan sa aksidente sa Brgy. Dau, Mabalacat City sa Pampanga kagabi.

Ayon sa bente ayos na si Darel Isip, pauwi na sya ng bahay sakay ng minamanehong motorsiklo nang bigla na lamang huminto ang isang pampasaherong jeep upang magsakay ng pasahero.

Nabigla sya kaya bumangga sa hulihang bahagi ng jeep ang kaniyang motorsiko at inabot ang papasakay na pasahero.

Nagtamo ng malaking sugat sa kaliwang pisngi si Darel at iniinda ang pamamaga ng kaliwang bahagi ng ulo.

Habang ang pasahero na si Arvin Meramonte, bente dos anyos ay nagka sugat sa kanang binti.

Kaagad namang nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue team ang dalawa at saka dinala sa Mabalacat District Hospital.

 

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,