Nirespondehan ng UNTV News and Rescue kasama ang First Responder ng Manila Traffic and Parking Bureau ang banggaan ng isang kotse at uber taxi sa Laon Laan Street corner Maceda Street mag-aalas tres kaninang madaling araw.
Sugatan sa ang pasahero ng uber car na si Abegail Aguirre, 27 anyos at ang driver nito na Si Rosbelito Margallo Jr., 41 anyos.
Inasikaso ng MTPB FRU ang pasahero na si Abegail na nanginginig sa takot dahil sa impact ng aksidente.
Ang News and Rescue naman ang naglapat ng paunang lunas sa driver na idinadaing ang pananakit ng batok.
Habang nasa loob ng ambulansya inalam ng grupo ang vital signs ni Margallo at inalam din ang iba pang posibleng pinsala na tinamo nila sa aksidente.
Kapwa dinala sina Aguirre sa UST hospital upang mamonitor ang kanilang kalagayan.
Ayon kay Mang Rosbelito, binabaybay nila ang Maceda Street ng isang kotse umano na walang ilaw na galing ng Laon Laan ang bumangga sa likuran ng kanyang sasakyan.
Dahil sa lakas ng impact wasak ang likurang bahagi ng kanyang sasakyan at bumangga pa sila sa isang street sign.
Pinaghahanap naman ngayon ng mga otoridad ang driver ng kotseng nakabangga kila Mang Margallo na agad na tumakas pagkatapos ng aksidente.
(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)
Tags: 2 nasaktan, iba pang rescue unit, Maynila, UNTV News and Rescue Team