2 naaksidente sa motorsiklo sa Guiguinto, Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 13, 2016 (Tuesday) | 1582

nestor_tmbb
Nakabuwal na kalsada ng maabutan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking, aksidenteng bumangga sa dumptruck sa Mc Arthur Higway sa Barangay Tutukan, Guiguinto, Bulacan pasado alas dyis kagabi.

Kinilala ang biktima na si Aldrin Fernandez,23 years old Ng Barangay Caruhatan,Valenzuela City.

Sa kuha ng cctv camera ng barangay, kitang-kita kung paano ito bumangga sa nakaparadang dumptruck.

Nagtamo si fernadez ng malaking hiwa sa ulo at bibig, posibleng bali sa binti.

Agad naman humingi ng tulong sa UNTV News and Rescue ang mga barangay tanod, at nilapatan ng pangunang lunas at isinugod sa Bulacan Medical Center sa Malolos.

Bago ito, nauna nang rumesponde ang UNTV News and Rescue Team sa Barangay Ilang-Ilang,Guiguinto, sa banggaan ng motorsiklo at toyota fb, pasado alas nuwebe ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Arnel Bolivar, 41 years old, binata, ng Barangay Camelia Homes,Bulacan.

Nagtamo ng hiwa at pamamaga ng kanang hita at gagas sa katawan, at papakit ng likod.

Agad naman nilapatan ng pang unang lunas ang biktima at dinala din sa Bulacan Medical Center.

Nagpasalamat naman ang ina ng biktima sa tulong UNTV News and Rescue.

Nangako naman ang driver ng elf na sasagutin nya ang pagpapagamot sa hosptal.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,