2 most wanted person sa NCR, arestado

by Erika Endraca | May 6, 2021 (Thursday) | 195

METRO MANILA – Arestado sa isinagawang operasyon ng Muntinlupa City Police Station ang Top 1 most wanted person ng Simultaneous Enhanced Managing Police Operations (SEMPO) ng lungsod noong Martes (May 4).

Kinilala ang suspek na si Cherry Caagbay Y Pacut o mas kilala sa pangalangang Cherry Moscoa na taga Patdu Compound, Tunasan.

Nahaharap sa kasong paglabag R.A. 9165 section 11 si Moscoa dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

Sa Quezon City naman, arestado ang Top 4 most wanted person ng lungsod na si Rene B Cinco na isang MMDA street sweeper na taga Batasan Hills.

Nahaharap sa kasong rape si Cinco sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong July 31, 2018.

(Ariel Lyn Aranas | La Verdad Correspondnet)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,