11 sachet na pinaghihinalaang shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang Nigerians na miyembro umano ng African Drug Syndicate (ADS) sa isang entrapment operation sa Bacoor, Cavite nitong Biyernes ng hapon. Nakatago ang mga sachet sa loob ng mga cellphone charger adaptor.
Gayunman, dalawa lamang sa 11 sachet na ito ang naglalaman ng shabu samantalang ang iba ay naglalaman ng chemical compound na hindi dangerous drugs batay sa screening at confirmatory test na ginawa ng PDEA.
Kinilala ang mga suspek na sina Agu Austin Chukwuebuka at Nkwocha Chimaobi. Todo tanggi naman ang mga suspek sa mga paratang laban sa kanila.
Batay sa intelligence report, ang dalawang ADS members ay sangkot umano sa malawakang distribusyon ng shabu sa Bicol Region at Calabarzon.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Section 5 ng Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Natunton ng mga operatiba ang dalawa matapos mahuli ang isang hinihinalang big-time drug lord na si Olivia Encinas, gayundin ang dalawa pang ADS members noong nakalipas na taon.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: ADS, African Drug Syndicate, pdea