2 LPA sa loob ng PAR, binabantayan ng PAGASA

by Radyo La Verdad | September 7, 2018 (Friday) | 2645

Dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang binabantayan ngayon ng PAGASA, habang ang Southwest Munson o habagat ay patuloy na makaka-apekto sa Luzon at Visayas.

Namataan ng PAGASA kaninang alas tres ng madaling ang LPA 620km northeast ng Basco, Batanes. Hindi ito direktang makaka-apekto sa bansa at inaasahang lalabas na ng PAR sa loob ng bente quatro oras.

Ang isa namang LPA ay nasa 95 kilometers west northwest ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Makararanas ang Metro Manila at malaking bahagi ng Luzon ng maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms at gayundin ang ang Western Visayas.

Bagaman magiging maaliwalas ang panahon sa ilang bahagi ng Visayas, makararanas ng manaka-manakang pag-ulan at isolated thunderstorms sa ibang bahagi ng rehiyon.

Ang buong Mindanao ay maaliwalas ang panahon na may posibilidad ng isolated thunderstorms.

 

 

 

Tags: , ,