Umiiral ngayon ang dalawang low pressure area (LPA) sa Philippine area of responsibility (PAR).
Namataan ng PAGASA ang mga ito sa layong 1,280km sa silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan at ang isa naman ay sa layong 615km sa kanluran ng Subic, Zambales.
Sa ngayon ay wala pa itong direktang epekto sa bansa subalit umiiral din ang habagat na siyang nagdudulot ng mga pag-ulan lalo na sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas.
Base sa forecast ng PAGASA, magkakaroon ng kalatkalat na pag-ulan sa Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mimaropa at Western Visayas.
May papulo-pulo ding pag-ulan sa Metro Manila, Bicol Region at nalalabing bahagi ng Calabarzon, Central Luzon at Visayas.
Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magkakaroon din ng mga thunderstorms.