2- libong SSS pension increase maibibigay kung popondohan ng pamahalaan ang SSS

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 2397

IMAGE_10102013_untv-news_SSS
Muling nagpaliwanag ang Social Security System na wala itong kapangyarihan na ibigay ang hinihiling na dagdag na pension ng kanilang mga pensioner.

Giniit ni Atty.George Ongeko na posibleng mabangkarote ang SSS kung ibibigay ang two thousand pesos pension increase.

Gayunman sinabi ni Ongkeko na kung mangagaling sa pamahalaan ang pondo ay maibibigay nila ang hinihinging sss pension increase.

Sa kompyutasyon ng sss sa unang taon pa lamang ng implementasyon ng pension increase ay mangangailangan ng 56 billion pesos.

Sa ngayon ang pinaka-subsidy ng gobyero sa SSS ay ang hindi pagpapataw ng tax sa lahat ng kinikita nito o revenue.

Hindi na kihukuha ng BIR ang 12-billion pesos na dapat ay tax ng SSS na nagsisilbing operation expenses ng ahensiya sa loob ng isang taon.

Hiniling din ni Ongkeko sa Kongreso na kung maaari ay gumawa ng isang batas na tutukoy kung saan manggagaling ang pondong maaaring ibigay sa SSS sakaling kailanganin nila ng dagdag na pondo upang hindi ito mabangkarote.

Samantala desidido naman ang may akda ng panukalang batas na susubukan niyang i-override ang pag-veto ni Pangulong Aquino sa SSS pension increase sa huling araw ng sesyon sa Feb 3.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,