2 lalaki, patay nang tambangan ng riding in tandem criminals sa San Juan City

by Radyo La Verdad | August 4, 2017 (Friday) | 1813

Pinagbabaril ng dalawang nakahelmet na lalaking sakay ng motorsiklo ang isang kotse sa Barangay Estancia, Barcelona Street Corner V. Cruz San Juan City pasado alas sais kagabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Juan Police, galing sa kabilang barangay ang mga sakay nito nang tambangan ng mga suspek. Patay ang dalawang sakay nito na nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa dibdib at leeg.

Naisugod pa sa malapit na ospital ang driver ng kotse ngunit nasawi din ito pasado alas nuebe kagabi. Narekober sa crime scene ang tatlumpung basyo ng bala ng 9mm na baril at apat na slugs ng 45. kalibre na baril.

Ayaw naman magbigay ng pahayag at impormasyon ang mga kaanak ng mga biktima nang subukin kausapin.

Sa ngayon, ay patuloy na iniimbestigahan ng mga pulis ang motibo sa pamamaril at titingnan din nila kung nahagip ng cctv malapit sa lugar ang pangyayari upang makatulong sa kanilang imbestigasyon.

 

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,