Naibigay na ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command sa Indonesian government ang dalawang Indonesian nationals na pinalaya ng bandidong Abu Sayyaf kahapon.
Kinilala ang mga ito na sina Mohammad Nazer at Robin Piter na kabilang sa pitung crew ng T/B Charles 00 boat na dinukot sa Simisa, Sulu noong nakaraang June 22.
Ang lima pang kasamahan ng dalawa ay una na ring nakalaya Setyembre.
Pinangunahan ni WestMinCom Deputy Commander Brigadier General Jose Cabanban ang turnover sa mga biktima kay Pak Wiba ng Indonesian Embassy Protocol Officer at iba pang police attache ng Indonesia.
Ayon sa AFP, ang paglaya ng dalawa ay bunga ng patuloy na opensiba ng militar kontra sa Abu Sayyaf na hanggang ngayon ay may hawak pang dalawamput tatlong mga bihag.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: 2 indonesian nationals na pinalaya ng ASG, nai-turnover na sa Indonesian Authorities
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com