Suspek sa pagbebenta ng bakuna sa Pasay City, gumamit ng ibang identity para makapanloko

by Erika Endraca | July 8, 2021 (Thursday) | 3632

METRO MANILA – Nahaharap sina Michelle Parajes, 35 taong gulang at Angelo Bonganay, 28 taong gulang sa kasong paglabag sa RA 10175 (Cyber Crime Prevention Act – Chapter II, Par 3, Computer-related Identity Theft) gayundin sa Article 315 ng Revise Penal Code – Estafa/Swindling dahil sa ilegal na pagbebenta ng COVID-19 vaccines na nahuli ng mga awtoridad nitong July 7, 2021.

Naaresto sila dahil sa sumbong ng isang nag reklamo na si Dayrelle Esteban na nagkunwaring bibili sa kanila ng mga bakuna (AstraZenica, Sinovac at Pfizer) na nagkakahalagang Php120,000 at dahil dito ay isinagawa ang isang entrapment operation ng Pasay City Police Station sa loob ng isang fast food restaurant upang mahuli sila.

Isiniwalat sa imbestigasyon na ginamit pa ng isa sa mga suspek ang kaniyang pagiging “nurse” upang makabenta ng bakuna sa social media sa napakamurang halaga.

Sa kasalukuyan, ang 2 suspek ay nasa ilalim na ng pangangalaga ng Pasay City Police Station.

(Ezekiel Berunio | La Verdad Correspondent)

Tags: