2 Indian student patay sa sunog sa isang medical university sa Russia

by Radyo La Verdad | February 17, 2016 (Wednesday) | 1774
Smolensk, Russia(REUTERS)
Smolensk, Russia(REUTERS)

Dalawang Indian student ang namatay sa sunog sa isang medical university sa Russia noong linggo.

Nagsimula ang sunog sa ika-apat na palapag ng dormitoryo ng medical academy sa Smolensk.

Ang dalawang biktima ay magkasama na natutulog sa kwarto ng magsimula ang sunog, at parehong fourth year medical student.

Iniimbestigahan pa ng mga Russian authorities ang pinagsimulan ng sunog.

Tags: , , ,