2 empleyado ng Malacañang, inalis sa pwesto ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | October 6, 2017 (Friday) | 5572

Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga corrupt na opisyal ng pamahalaan sa ginanap na Agrilink, Foodlink Aqualink 2017 event kagabi sa World Trade Center sa Pasay City.

Ayon sa Pangulo, tutuparin niya ang pangako sa mamayang Pilipino na tapusin ang katiwalian. Katunayan, dalawa umanong tauhan ng Malakanyang ang inalis niya sa pwesto.

Hindi na pinangalanan pa Pangulo ang mga naturang empleyado at kung ano ang partikular na naging paglabag ng mga ito.

Simula pa ng kanyang kampanya, kilala na ang Pangulo sa kanyang masidhing kampanya kontra korupsyon at illegal na droga.

Kamakailan, ilang mga opisyal na rin ang tinanggal sa pwesto ng Pangulo dahil sa umanoý pagkakaugnay sa mga kwestionableng transaksyon sa mga pinamumunuang ahensya.

Ilan sa mga ito ay sina dating Dangerous Drugs Board Chairman Benjamin Reyes, former Cabinet Undersecretary Maia Chiara  Reina Valdez, dating Sugar Regulatory Administrator Chief Anna Rosario Paner at former DILG Secretary Ismael Sueno.

Muli namang hinamon ng Pangulo ang kanyang mga kritiko na tanggalin sya sa pwesto kung mapapatunayan sangkot sya sa korupsyon sa gobyerno.

 

( Joan Nano / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,