2 driver ng motorsiklo na nagkabanggaan sa Camarines Sur, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 23, 2017 (Monday) | 1324

ALLAN_TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa Camarines Sur ang natanggap na tawag hinggil sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Brgy.Gingoray, Tigaon noong Sabado.

Nadatnan ng grupo na nakahandusay pa sa kalsada ang isa sa mga biktima na kinilalang si Domingo Tahoyo, 59 anyos, residente ng Pili.

Samantalang nakaupo naman sa tabi ng kalsada ang driver ng nakabanggaan nitong motorsiklo na kinilalang si Richard Liwag, 41 anyos.

Nagtamo si Tahoyo ng sugat sa paa at iniinda ang pananakit ng dibdib.

Habang mga gasgas naman sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at bukol sa mukha si Liwag.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ang mga ito ng UNTV News and Rescue Team at saka dinala ang dalawa sa Bicol Medical Center para sa karagdagang atensyong medical.

Ayon sa ulat, nag-overtake umano ang motorsiklo na minamaneho ni Mang Richard sa sinusundang dump truck dahilan upang mabangga ang kasalubong na motorsiklo sa kabilang lane ng kalsada.

Samantala nasawi naman sa insidente ang angkas ni Mang Richard na si Arin Liwag na kapatid nito matapos masagasaan ng kasunod na sasakyan.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: ,