2 dating mambabatas nahanapan ng Ombudsman ng sapat na basehan na makasuhan dahil sa PDAF scam

by Radyo La Verdad | July 22, 2015 (Wednesday) | 1875

RAFANAN
Matapos ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman, nahanapan na nila ng sapat na basehan upang kasuhan ang dalawa pang dating mababatas dahil sa umano’y maanomalyang paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund o PDAF.

Nakitahan ng sapat na basehan ng Ombudsman para kasuhan si dating Malabon Rep. Alvin Sandoval ng 3 counts ng graft malversation at si dating Bukidnon Rep.Candido Pancrudo Jr. ng 2 counts ng graft at malversation din.

Pero ayon kay Assistant Ombudsman Asryman Rafanan, bagaman parehong gumamit ng pekeng non- government organizations ang mga akusado, hindi ito bahagi ng 10-billion pork barrel scam kung saan mastermind umano si Janet Lim Napoles.

Maliban sa dalawang dating kongresista, maaaring makasuhan din ang ilang opisyal mula sa Techonology Resource Center, National Agribusiness Corporation at opisyal ng mga ginamit na NGOS.

Binigyan pa ng panahonng Ombudsman ang mga akusado na magpasa ng motion for reconsideration bago isampa ang kaso sa Sandiganbayan.

Samantala, nirerekomenda na isailalimnasa preliminary investigation ang mga reklamo ukol sa Mamasapano encounter noong Jan 25 na ikinamatay ng apat na put apat na SAF Commandos.

Ayon sa fact finding investigating team , pinag-aaralan na mga reklamong maaring isampa tulad ng graft, grave misconduct at neglect of duty si dating PNP Chief Director General Alan Purisima, dating SAF Director Getulio Napenas at siyam pang pulis ng PNP.

Ayon kay Rafanan, kasama si Pangulong Benigno Aquino III sa mga inimbestigahan ng kanilang Special Panel of Investigators at lumabas na bagaman may partisipasyon ang presidente sa engkwentro, hindi ito sapat para sa isang criminal offense, o valid ground para sa isang impeachment.

Tags: , , ,