2 biktima ng banggaan ng motor at taxi sa Baguio City, binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 1696

TMBB-BAGUIO
Dalawa ang sugatan sa banggan ng motorsiklo at taxi sa M. H. del Pilar intersection sa Baguio City.

Ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team noong Sabado ng alas onse ng gabi.

Binigyan ng first aid ng grupo ang tinamong mga sugat ng driver ng motorsiklo na si Ceazar Valente at ang angkas nito na si Dante Castillo na tumanggi ng magpahatid sa ospital.

Wala namang tinamong pinsala ang kabanggan nilang driver ng taxi.

(UNTV NEWS)

Tags: ,