2 bayan sa Bicol Region na nag-positibo sa red tide, patuloy na binabantayan ng BFAR

by Radyo La Verdad | August 24, 2017 (Thursday) | 7273

Patuloy ang pagsasagawa ng shellfish sampling ng BFAR sa mga bayan ng Placer at Mandaon sa Masbate. Ito’y upang matukoy kung gaano pa kataas ang toxicity ng mga shellfish sa karagatang sakop nito.

Sa ngayon, umabot na sa 11 bayan ang apektado ng shellfish ban. Hindi naman masabi ng BFAR kung hanggang kailan ito iiral kaya’t patuloy ang pagbibigay ng babala sa mga residente ng mga apektadong lugar na huwag munang kumain ng mga lamang dagat na maaaring pinamugaran ng mga nakalalasong organismo.

Ayon sa BFAR, malaking kontirbusyon sa paglitaw ng mga organismong nagiging sanhi ng red tide ang pagbago-bagong klima kaya dumadalas na ang pagkakaroon nito sa iba’t-ibang bahagi ng karagatan sa bansa.

 

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,