Naka-deploy ngayon sa Zamboanga City ang dalawang batalyon ng sundalo para bantayan ang siyudad mula sa anumang banta ng terorismo mula sa mga armadong grupo gaya ng Abu Sayyaf.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na paigtingin ang seguridad sa lungsod lalo’t coastal ang location nito at napapaligiran ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi na kilalang kuta ng ASG.
Araw-araw nagsasagawa ng aerial reconnaisance ang Philippine Airforce sa Zamboanga para makita ang posibleng galaw ng mga masasamang loob.
Noong nakaraang Lunes ay nagpulong ang Regional Peace and Order Council at sentro ng talakayan ang seguridad na pangunahin sa mga isyung kinakaharap ng Zamboanga Peninsula.
Samantala, masayang ibinalita ng pamahalaang lokal ng Zamboanga City na walang naitalang pambobomba at kidnapping sa Zamboanga City noong 2016.
(Dante Amento / UNTV Correspondent)
Tags: 2 batalyong sundalo, ipinakalat sa Zamboanga City para magbantay laban sa banta ng terorismo