2 bata, nagtagpuang patay sa kanilang kwarto sa Iloilo

by Radyo La Verdad | April 15, 2016 (Friday) | 1631

ILOILO
Dalawang magkapatid na paslit ang natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Dingle, Iloilo.

Kinilala ang mga biktima na sina Skeet Ryan, onse anyos at Wesley Latosa, nueve anyos.

Sa salaysay ng isa sa mga kasambahay, nasa hardin siya nang makarinig ng ingay mula sa kwarto ng dalawang bata.

Nang puntahan ay nakita niya umano ang duguang mga biktima na nakabalot ng kumot.

Agad umano niyang tinawag ang amo niyang babae na nasa isa pang bahay sa compound at isinugod sa ospital ang mga bata ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng mga saksak at nalamog ang iba’t ibang bahagi ng katawan ng dalawang bata.

Na-recover sa crime scene ang isang Bara de Cabra, kutsilyo at itak.

Hinihinalang isa sa mga kasambahay ang suspek sa krimen dahil wala namang forced entry at hindi rin kumahol ang alagang aso ng pamilya.

Inconsistent rin umano ang pahayag ng mga kasambahay nang tanungin ito ng mga imbestigador.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,