2 bagyo sa labas ng PAR, binabantayan ng PAGASA

by Radyo La Verdad | November 2, 2016 (Wednesday) | 1958

IMAGE_UNTV-NEWS_06032014_PAGASA-FACADE
Dalawang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayan ngayon ng PAGASA.

Ang tropical depression na namataan sa layong isang libo, apat na raan at apatnaput limang kilometro silangan ng Visayas ay posibleng pumasok sa PAR sa loob ng dalawamput apat na oras.

Taglay nito ang lakas ng hangin na apanaput limang kilometro kada oras at may pagbugsong aabot sa 55-kilometers per hour.

Ang bagyo naman na nasa mahigit dalawang libong kilometro ang layo sa Silangang Luzon ay hindi papasok ng Philippine Area of Responsibility.

Samantala nananatiling apektado ng umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao Region.

Tags: ,