2 Bagong pumping stations sa Valenzuela City, binuksan ng DPWH

by Radyo La Verdad | April 8, 2019 (Monday) | 3313

Metro Manila, Philippines – Binuksan na ng Departtment of Public Works and Highways (DPWH) ang dalawang bagong pumping stationsa sa Valenzuela city na inaasahang makatutulong upang maresolba ang problema sa pagbaha sa naturang syudad.

Isa ang lungsod ng Valenzuela sa Metro Manila sa mga lugar na kadalasang lubog sa baha tuwing panahon ng tagulan.

Pinasinayaan ng DPWH ang Wawang Pulo at Coloong pumping stations na itinayo sa may kahabaan ng Meyacuayan river.

Tampok sa bagong pumping stations ang trash rakes na siyang sasala sa mga basura upang hindi ito tumuloy sa ilog.

 “the main objective of this project is to mitigate the effects of flood damages within the city flood control structures will help ease the yearly effect of high tide simultaneosly with the heavy rain causing wawang pulo and coloong rivers to overflow” tinig ni DPWH secretary  Mark Villar

Bukod sa trash rakes, mayroon rin itong Anim na propeller pums, generator sets, flood gates, conveyors, stop logs, grantry cranes, at malaking diesel storage tank.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng higit isang bilyong piso at kabilang sa mga priority projects ng Valenzuela, Obando at Meycauyan drainage system.

Tags: