2 Abu Sayyaf members, sumuko sa Joint Task Force Zamboanga

by Radyo La Verdad | July 3, 2018 (Tuesday) | 5689

Sumuko sa Joint Task Force Zamboanga noong Sabado ang magkapatid na miyembro ng Abu Sayyaf group sa ilalim ni sub-leader Marzan Ajijul. Kinilala ang mga ito na sina Asbi Ahaddin at Apdal Ahaddin, residente ng Barangay Muti, Zamboanga City.

Kapwa may warrant of arrest ang dalawa sa kasong attempted murder kaugnay ng pagbomba ng isang armored vehicle noong 2015 at suspek din sila sa pag-strapping ng isang bus noong 2017. Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga baril na isang M16 and isang M1 Garand rifle.

Kahapon matapos iprisenta sa media ay itinurnover na ito ng AFP sa kustodiya ng PNP para sa legal disposition. Tiniyak naman ng PNP na hindi sapat ang kanilang pagsuko para mapatawad sa kanilang kaso.

Sa kanilang pagharap sa media, nanawagan ang mga ito sa kanilang mga kasamahan partikular sa Zamboanga City na sumuko na sa pamahalaan.

Naniniwala ang mga ito na hindi titigil ang pamahalaan sa pagtugis kanila pero sinsero naman ito na tulungan silang magbagong buhay.

Ayon kay Col. Leonel Nicolas, commander ng Joint Task Force Zamboanga, mayroon pa silang natitirang anim na ASG members na pinaghahanap sa Zamboanga City.

Mula 2017 hanggang sa kasalukuyan, mayroon nang labing-apat na ASG members ang na-neutralize ng AFP sa Zamboanga.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,