METRO MANILA – May 1 na araw na lamang o hanggang April 30 ang ibinigay taning ng DILG sa mga lokal na pamahalaan para kumpletuhin ang pamamahagi ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) subsidy.
Ayon sa DILG, dapat sa katapusan ng buwan nakatanggap na ng P5,000 – P8,000 ayuda ang nasa 18 pamilya sa bansa na may maliit na kita.
Ayon sa kagawaran, sa Mayo ay uupishaan naman ang pamamahagi ng second wave ng SAP.
Sa Caloocan City, nasa 52% na ang kanilang naipamamahagi sa halos 216,000 na pamilyang benipisyaryo ng SAP.
Ayon kay DILG Caloocan Director Marco Cabueños, ang Caloocan ang may pinakamalaking pursiyento ngayon ng naipamamahaging ayuda sa mula sa SAP.
Ayon sa DILG-Caloocan, pinapapalitan nila sa mga kapitan ng barangay ang mga natutuklasang kasama sa listahan na hindi naman kuwalipikado sa pagtanggap ng SAP.
Bukod sa SAP ay namamahagi din ang Caloocan ng tig P1,000 o sa bawat pamilya anuman ang estado sa buhay.
(Rey Pelayo | UNTV News)
Tags: DILG, Sociial Amelioration Program