Isang milyong kabataan ang target ng National Youth Commission na mahikayat na magparehistro na upang makaboto sa halalan sa susunod na taon .
Dahil dito naglunsad ng kampanya ang NYC na tinawag nitong rock the vote na inuundyukan ang mga kabataan na magprehistro na bago ang deadline ng registration sa October 30, 2015.
Bilang tulong na rin ito ng NYC sa Comelec na makuha ang target na 3 milyong bagong botante na boboto sa 2016 elections.
Naniniwala ang NYC na sa pamamagitan ng pagboto ng mga kabataan, magkakaroon sila ng oportunidad na magkaroon ng magandang buhay.
Target ng kampanya hindi lang ang mga estudyante sa Luzon, Visayas at Mindanao, pati narin ang mga out of school youth sa buong bansa.
Nakikipagtulungan na rin ang NYC sa DepEd upang maabot ng kanilang kampanya ang mga out of school youth.
Ikinatuwa naman ng Comelec ang naturang kampanya, sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na malaki ang maitutulong nito sa kanilang target na 3 million na bagong mga botante. (Darlene Basingan /UNTV News )
Tags: COMELEC, Comelec Spokesperson James Jimenez, National Youth Commission