1997, idinaos ang ika-siyam na Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC sa Vancouver Canada.
Ito ang tinaguriang APEC of year of action kung saan inilatag ang mga kinakailangan pang aksyon sa pag-abot ng bukas at malayang kalakalan at pamumuhunan sa Asya Pasipiko.
Dito napagkasunduan ng mga APEC Leader na taunang i-update ang kani-kanilang actions plans tungo sa pagkakaroon ng free and open trade and investment gayundin ang aksyon ng bawat bansa upang makamit ang mga layuning ito.
Isang mahalagang insiyatibo, ang pagpili ng mga sektor na kabilang sa Voluntary Sectoral Liberalization o EVSL, ang pinagtibay sa panahong ito.
Ang EVSL ay naglalayong mas mabilis na maisakatuparan ang malaya at mas madaling proseso ng trade at investment sa rehiyon na partikular na ipatutupad sa ilang mahahalagang sektor.
1998 nang mapagkasunduan na isama ang siyam na sektor sa EVSL
At ito ay isinumite naman sa World Trade Organization upang pagkasunduan ng non-apec members.