1997 Asian currency and financial crisis, naging malaking pagsubok sa APEC

by Radyo La Verdad | November 12, 2015 (Thursday) | 1515

APEC-2
Taong 1997 din nang masubok ng tinaguriang “Asian Currency and Financial Crisis” ang APEC nang bumagsak ang halaga ng salapi sa ilang bansa sa asya na nagresulta naman ng pagbagsak sa kanilang ekonomiya.

Upang matugunan ang problema, nagpatupad ng mga inisyatibo at polisiya ang APEC

Sa APEC Meeting sa Kuala Lumpur noong 1998, naging sentro ang paggawa ng rekomendasyon upang tulungan ang APEC Economies na apektado ng krisis pinansiyal upang hindi na nito maapektuhan ang iba pang bansa sa rehiyon.

Ilan sa rekomendasyong ito ay ang pagpapatupad ng sama –samang istratehiya sa pamamagitan ng mga programang magpapatatag sa financial system ng bansang apektado ng krisis;

At ang patuloy na pagtanggap ng financial assistance mula sa iba’t ibang institusyon at bansa upang matulungan ang mga apektadong ekonomiya.

Tags: