VP Binay at Sen. Grace Poe, nanguna sa pinakabagong survey ng Pulse Asia

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 1864

5-presidential
Muling nanguna sina Vice President Jejomar Binay at Senator Grace Poe sa pinakabagong presidential survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Statistically tied ang dalawa kung saan nakakuha si Senator Grace Poe ng 26 percent samantalang 24 percent naman ang nakuha ni Vice President Binay.

Nasa pangalawang pwesto naman si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nakakuha ng 22 porsyento, sinundan ito ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas na may 19 na porsyento at Senator Miriam Santiago na nakakuha naman ng 3 porsyento.

Isinagawa ang survey noong February 16 to 27 sa 5, 200 respondents at kinomisyon ng ABS CBN.

(UNTV NEWS)

Tags: