LTO malapit nang irelease ang mga bagong license plate at drivers licenses card

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 4700

PLAKA-2
Patuloy na humihingi ng paumanhin ang Land Transportation Office o LTO sa patuloy na pagkakaantala ng release ng mga license plate at plastic driver’s licence, pati na rin ng mga sticker para sa mga motorista.

Matatandaang noong nakaraang Enero, sinuspinde ng Commission on Audit ang apela ng Land Transportation Office na i-lift ang notice of disallowance ukol sa Dutch-Filipino Consortium ng pagsu-supply ng mga vehicle plates.

Dahil dito naantala ang pag release ng ahensya ng mga licensed plate pati na rin ng mga plastic driver’s license.

Umaabot umano sa humigit kumulang 600,000 plates ang nakatambak ngayon sa North Harbor, na hindi nirerelease hanggang ngayon ng bureau of customs.

Ngunit noong nakaraang linggo ay nagkaroon ng directors conference sa Iloilo ang mga regional director ng LTO at ayon kay Assistant Regional Director ng LTO Region 11 na si Macario Gonzaga, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Roberto Cabrera, malapit nang maresolba ang suliraning ito.

Samantala, habang walang pang mga plaka, pansamantalang magrerelease ang LTO ng mga virtual plate license, ang mga plate number na ito na maa-assign sa mga motorista ay siya na ring magiging plate number nito kung may plaka ng marerelease ngunit upang magamit ito ay kailangang mag secure ng authority to use mula sa LTO ang mga motorista.

Pinabulaanan naman ng opisyal na nabubulsa ng mga kawani ng LTO ang binayad ng mga mamamayan para sa mga lisensyang ito.

Ayon sa LTO, inaasahang magiging available na ang mga plastic drivers lisence sa katapusan ng buwan.

(Joeie Domingo/UNTV NEWS)

Tags: ,