10 hanggang 11 pang proyeko sa ilalim ng PPP, layong mai-award bago matapos ang administrasyong Aquino

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 1650

PPP-DIRECTRO-ANDRIE-PALACIOS
Sa nalalabing 4 na buwan ng administrasyong Aquino, maraming proyekto pa ang nais maisakatuparan ng Public Private Partnership Center o PPP Center.

Ayon sa bagong Executive Director ng PPP Center na si Andre Palacios, prayoridad pa rin nila ang mga infrastructure project na kinakailangan ng bansa.

Sampu hanggang labing isang proyekto ang nilalayon ng PPP Center na matapos na ang bidding at procurement.

Kabilang sa mga ito ang Laguna Lakeshore Expresswat Dike Project ng Department of Public Works and Highways, Regional Prison Facility ng Department of Justice, Davao Sasa Port Modernization Project at Road Transport Information Technology infrastructure ng Department of Transportation and Communications o DOTC, pati na rin ang limang airports sa ilalim ng DOTC at Civil Aviation Authority of the Philippines.

Sa ilalim ng Public-Private Partnership Program, katuwang ng pamahalaan ang pribadong sector sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Ang pribadong kumpanya ang magpopondo sa proyekto na sa kalaunan kapag nagamit na at natapos na ang kontrata ay ibabalik na sa gobyerno.

Labindalawang PPP Projects and naisakatuparan sa ilalim ng Aquino administration, mas marami sa anim na proyekto lang ng nakaraan na tatlong administrasyon. Ayon sa director ng PPP Center ito dahil sa mga bagong polisiya na siyang naghikayat ng investors sa mga proyekto.

Ginarantiya naman ni PPP Dir. Palacios na kahit pa magbago ng administrasyon, ipagpapatuloy ng PPP Center ang kanilang mandato upang makatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

(Joyce Balancio/UNTV NEWS)

Tags: ,