PDP-LABAN, walang ieendorsong senatorial candidate

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 1192

PIMENTEL
Lampas na isang dosenang kandidato ang lumapit sa Partido Demokratikong Pilipino Lakas ng Bayan o PDP LABAN upang makasama sa kanilang senatorial line up.

Ngunit ayon kay Senator Koko Pimentel Presidente ng PDP LABAN, upang walang magtampong kandidato ay wala silang i-eendorsong senatoriable sa eleksiyon ngayong taon.

Ayon kay Pimentel tanging sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Alan Peter Cayetano na lamang ang kanilang aasikasuhin.

Sa Valenzuela City nagtungo ang Duterte-Cayetano tandem at nakipagkumustahan sa mga pedicab at tricycle drivers ng Barangay Poblacion.

Nagbigay ng reaksyon si Duterte sa pagkatig ng SC kay Senador Poe.

“Para sa akin i just don’t agree with it because it contradicts the fundamental that we have, pero kay Grace i wish her all the best.” Pahayag ni Dueterte

Samantala, nangampanya kahapon si Vice President Jejomar Binay at ang buong partido sa Zambales at nagsagawang motorcade sa San Narciso, San Felipe, Cabangan, Botolan, Palauig, Masinloc, Candelaria at Sta Cruz.

Nag-ikot naman sa Batangas at Laguna ang Roxas-Robredo tandem.

Ngayon naman ang campaign manager ni Congresswoman Leni Robredo na si Senador Bam Aquino sa mungkahi ni Senador Serge Osmena III naihiwalay muna ang pangangampanya ni Robredo kay Roxas.

Si Senator Grace Poe na pinaburan ng Supreme Court na kuwalipikadong tumakbo sa pagkapangulo ay nagampanya sa Lucena, Quezon.

Samantala nag-abiso naman ang kampo ni Senador Miriam Santiago na dahil sa logistical concerns ay inire-schedule ang campaign sorties nito sa Davao City sa buwan na ng Abril.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: ,