Kumpletong paliwanag ng Korte Suprema kaugnay ng desisyon sa pagpabor kay Grace Poe, hinihiling ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | March 10, 2016 (Thursday) | 1302

AQUINO
May ilang katanungan si Pangulong Benigno Aquino the third sa inilabas na desisyon ng Korte Suprema na kuwalipikado si Senator Grace Poe na tumakbo bilang president sa May 09 elections.

Kaya naman ayon sa Pangulo, dapat na kumpletong ipaliwanag ng kataas-taasang hukuman ang naging desisyon nito sa disqualification case ni Poe.

May ilang isyu rin nais ng Pangulo na maliwanagan kaugnay ng citizenship ni Poe noong mga panahon na siya ay MTRCB Chairman pa lamang.

Sa kabila nito, ikinatuwa naman ni Pangulong Aquino ang pagpapakita ng pagiging independent ng kaniyang mga appointee sa Korte Suprema.

Kung saan sa siyam na pumabor kay Poe, apat dito ay mga appointee ng Pangulo at dalawa naman sa anim na mahistrado na bumoto upang idiskwalipika ang Senador ay appointee rin ni Pangulong Aquino.

Hindi naman nababahala ang Pangulo sa mataas na survey ratings ni Poe kumpara sa LP standard bearer na si Mar Roxas.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: