Kawalan ng conviction sa mga malalaking kaso na naisampa sa ilalim ng Aquino administration, walang masamang epekto sa pamahalaan – Malacanang

by Radyo La Verdad | March 9, 2016 (Wednesday) | 1329

PNOY
Mahigit tatlong buwan na lamang ang nalalabi sa administrasyong Aquino ngunit wala pa ring nako-convict na personalidad sa mga malalaking kasong inihain ng pamahalaan laban sa mga kasalukuyan at mga dating opisyal ng pamahalaan.

Ilan sa kilalang personalidad na nasampahan na ng kaso ngunit hindi pa nadedesisyunan ay sina dating pangulong at kasalukuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo.

Hanggang sa ngayon ay naka-hospital arrest si Arroyo dahil sa plunder charges, gayundin ang tatlong senator na sangkot naman sa pork barrel scam.

Ang ito ay sina Senator Juan Ponce Enrile na pansamantalang nakalaya dahil pinayagang mag-piyansa ng korte.

Maging ang isa sa mga worst-election related violence sa bansa, ang maguindanao massacre case na halos magpipitong taon na ay wala pa ring nakukuhang hustisya.

Wala pa ring nako-convict sa 197 na akusado sa pagpatay sa 58 tao kasama ang mga kawani ng media sa Ampatuan, Maguindanao noong November 2009.

Kasama na rito ang itinuturong mastermind sa massacre na si Andal Ampatuan Sr. na pumanaw habang nililitis ang kanyang kaso.

Sa kabila nito, naniniwala ang Malakanyang na wala itong negatibong epekto sa anti corruption campaign ni Pangulong Aquino at maging sa pageendorso ng pangulo sa mga kandidato sa darating na eleksyon.

Hindi rin nababahala ang Malakanyang sa mga sinasabi ng ilang pulitiko na kumakandidato sa matataas na posisyon na pagpapalaya sa mga nakadetineng personalidad partikular na si dating Pangulong Arroyo na nakasuhan na ng pamahalaan.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,