Inaprobahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang P10 bawas sa flag down rate ng taxi sa buong bansa.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, ito ay bunsod ng sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.
Ang bagong fare rate ng taxi ay magiging epektibo na sa March 19.
Sa dating P40 na flag down rate magiging P30 na lamang ito para sa mga regular taxi, mula naman sa P70 ay magiging P60 na lamang ang flag down rate para sa mga airport taxi.
P3.50 naman ang kada succeeding 500 meters gayun din sa waiting time na 90seconds sa regular taxi, P4 naman para sa airport taxi.
Bukod naman ang mga taxi sa Cordillera Region, P2 lang ang kada succeeding 400 meters, P2 din ang bayad sa waiting time sa kada 60 seconds.
(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)
Tags: flag down rate, LTFRB, taxi