Comelec, inatasan ng Korte Suprema na mag-isyu ng voters receipt sa darating na halalan

by Radyo La Verdad | March 8, 2016 (Tuesday) | 2662

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang petisyon ni dating senador Dick Gordon na ibalik ng Commission on Elections ang tinanggal na safety feature ng vote counting machines, partikular ang pag iimprenta ng voter’s receipt.

Sa naging botohan ng mga mahistrado sa en banc session ngayong araw, inatasan ng mataas na hukuman ang Comelec na mag isyu ng resibo sa mga botante sa darating na halalan sa Mayo.

Ngunit ayon sa Korte Suprema, hindi ito maaaring dalhin ng botante at ilabas ng presinto.

Sa halip, idedeposito ito sa isang hiwalay na ballot box matapos maberipika ng botante na valid at nabasa nang tama ang kanyang boto.

Tags: , ,