Inihahanda na ngayon ng kampo ni Mayor Rex Gatchalian ang kanilang depensa sa dismissal order ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.
Ito ay kaugnay ng reklamong isinampa sa kanya sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkakamatay ng 72 empleyado ng Kentex corporation sa Valenzuela City.
Sa text message ni Gatchalian sinabi nito na ilalaban nya sa Court of Appeals na tuluyan nang mapawalang bisa ang desisyon ng Ombudsman.
Nitong sabado, ipinagutos na ng Office of the Ombudsman na alisin sa puwesto si Gatchalian kasama ang 6 pang personalidad.
Subalit agad nakakuna ng 60 days temporary restraining order sa Court of Appeals si Gatchalian kaya pansalantala itong mananatiling Mayor ng Valenzuela.
Sa resolusyong nilabas ng Ombudsman napatunayan nitong guilty sa grave misconduct at gross neglect of duty sina Valenzuela Mayor Rexlon Gatchalian, Valenzuela Business Permit and Licensing Office (BPLO) Officer-in-Charge Renchie May Padayao, BPLO Licensing Officer IV Eduardo Carreon, Valenzuela City Fire Marshal F/Superintendent Mel Jose Lagan, Fire Safety Chief F/Senior Inspector Edgrover Oculam, Fire Safety Inspector SF02 Rolando Avendan at Fire Officer Ramon Maderazo
Base sa resolusyon ang mga ito ay hindi na makakakuha pa ng anumang benepisyo at hindi na maaari pang paupo sa public office.
Nakakita rin ang Ombudsman ng probable cause sa mga ito ng upang sampahan ng reckless imprudence resulting in multiple homicides and multiple physical injuries.
Ayon kay Gatchalian mahalaga ang tro na kanyang nakuha upang maiwasan ang “chilling effect” nito sa iba pang local chief executives.
(Grace Casin/UNTV NEWS)